4 percent inflation rate naitala noong Marso
Bahagyang bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 4 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 3 percent noong Pebrero.
Bahagya naman itong mababa kung ikukumpara sa 4.1 percent inflation rate na naitala noong March 2021.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pangunahing nag-ambag sa overall inflation nitong Marso 2022 ay ang transport prices.
Bunsod ito ng pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.
Ang iba pang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation alcoholic beverages at tobacco, gayundin ang restaurants at accommodation services. (DDC)