LPA, Shear Line magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area na nasa bahagi ng Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 305 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sinabi ng PAGASA na maliit ang tsansa na mabuo bilang ganap na bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 25 na oras.
Samantala, apektado ng Shear Line ang eastern section ng Southern Luzon.
Makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region.
Sa Central Visayas at Northern Mindanao naman ay makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.
Babala ng PAGASA maaring magdulot ng flashf loods at landslides ang mga mararanasang pag-ulan. (DDC)