DOLE nagpalabas ng pay rules para sa Araw ng Kagitingan at Holy Week

DOLE nagpalabas ng pay rules para sa Araw ng Kagitingan at Holy Week

Nagpalabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa magkakasunod na holidays ngayong buwan.

Ayon sa inilabas na Labor Advisory ng DOLE, ang April 9 (Araw ng Kagitingan), April 14 (Maundy Thursday), at April 15 (Good Firday) ay pawang regular holiday.

Sa nasabing mga petsa, ang empleyado na hindi papasok sa trabaho ay makatatanggap pa rin ng 100 percent ng kaniyang daily wage.

200 percent naman ang kaniyang susuwelduhin kapag pumasok sa trabaho.

Ang April 16 (Black Saturday) naman ay Special Non-Working Day.

Ayon sa DOLE para sa nasabing petsa ay iiral ang “no work, no pay” policy maliban na lamang kung mayroong favorable company policy o collective bargaining agreement na nagbibigay ng suweldo para sa Special Non-Working Day.

kung papasok naman sa trabaho, tatanggap ang empleyado ng dagdag na 30 percent ng kaniyang basic wage sa unang walong oras ng pagtatrabaho. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *