Gamot sa Hypertension, Diabetes, at High Cholesterol libre na para sa mga lolo at lola sa Quezon City

Gamot sa Hypertension, Diabetes, at High Cholesterol libre na para sa mga lolo at lola sa Quezon City

Simula sa Martes, April 5 libre na ang gamot para sa mga lolo at lola sa Quezon City na mayroong Hypertension, Diabetes, at High Cholesterol.

Ito ay sa ilalim ng Senior Citizens Maintenance Medicine Program ng Quezon City government, libre na ang sumusunod na mga gamot para sa mga lolo at loa:

Hypertension:
– Losartan 50mg/tab
– Amlodipine 5mg/tab

Diabetes
– Metformin 500mg/tab

High cholesterol
– Simvastatin 20mg/tab

Ayon sa Quezon City LGU, available ang nasabing mga gamot sa mga health centers.

Kailangan lamang magtungo lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar at mag-register sa https://quezoncity.gov.ph/covid-19-watch/hospitals-and-health-centers-directory/

Ang mga senior na magiging bahagi ng programa ay mabibigyan ng gamot kada buwan, base sa kanilang pangangailangan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *