Ikalawang 97-meter vessel ng Coast Guard darating sa susunod na buwan

Ikalawang 97-meter vessel ng Coast Guard darating sa susunod na buwan

Darating na sa buwan ng Mayo ang MRRV-9702 o ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Corast Guard (PCG) mula Japan.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, ang pagdating ng naturang barko na tatawagin bilang BRP MELCHORA AQUINO ay malaking hakbang tungo sa pagkilala sa PCG bilang “Symbol of Hope” at “Source of National Pride” ng Pilipinas na naaayon sa nalalapit na pagdiriwang ng “Araw ng Kagitingan” sa April 9, 2022.

Ang MRRV-9702 ay naka-modelo sa Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard (JCG).
Mayroon itong maximum speed na hindi bababa sa 24 knots; endurance na di bababa sa 4,000 nautical miles; at kakayanang magsagawa ng pang-matagalang pagpapatrolya sa maritime jurisdiction ng Pilipinas – kabilang ang West Philippine Sea, Philippine Rise, at katimugang bahagi ng bansa.

Ani Abu, gagamitin ang naturang asset para lalong paigtingin ang pagtataguyod ng maritime security, maritime safety, maritime law enforcement, maritime search and rescue at marine environmental protection sa 37,000-kilometrong baybaying-dagat ng Pilipinas.

Sinabi ni Abu na magkakaroon na rin ng mas malaking barko na magagamit sa paghatid ng relief supplies o pagsasagawa ng ferry missions.

Noong Pebrero 26, 2022 unang nakarating sa bansa ang MRRV-9701 na kikilalanin bilang BRP Teresa Magbanua sa oras na ma-komisyon sa serbisyo.

Binili ng pamahalaan ang dalawang 97-meter MRRV mula Japan para lalong palakasin ang PCG sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2) ng Department of Transportation (DOTr). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *