1.9M na pasahero naserbisyuhan sa unang linggo ng libreng sakay sa MRT-3
Umabot sa 1.9 million na mga pasahero ang naserbisyuhan sa unang linggo ng pagpapatupad ng libreng sakay sa MRT-3.
Sa datos mula sa pamunuan ng MRT-3 kabuuang 1,934,424 na pasahero ang nakinabang sa libreng sakay simula noong March 28 hanggang April 3, 2022.
Noong April 1, 2022 naitala ang highest ridership sa rail line kung saan umabot sa 309,225 na mga pasahero. Ito rin ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero sa MRT-3 simula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19.
Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager at Director for Operations Michael J. Capati, napaghandaan ng MRT-3 Management ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero dahil na rin sa pagluwag ng alert level status sa Metro Manila.
Magpapatuloy ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang sa April 30, 2022. (DDC)