Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 66 kilometers north east ng bayan ng Bayabas, 2:36 ng madaling araw ngayong Lunes, Apr. 4.
1 kilometer lang ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala. (DDC)