LPA binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar

LPA binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar

May nabuong Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Eastern Samar.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 970 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ na nakaaapekto naamn sa Mindanao.

Samantala, magdudulot naman ng malawakang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang Shear Line.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang Shear Line ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Cagayan Valley, Apayao, at Ilocos Norte.

Kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa Caraga, Northern Mindanao, Eastern at Central Visayas dahil sa ITCZ.

Habang localized thunderstorms at easterlies ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *