27 million doses ng COVID-19 vaccine malapit nang ma-expire ayon sa dalawang senador

27 million doses ng COVID-19 vaccine malapit nang ma-expire ayon sa dalawang senador

Mayroong 27 million na COVID-19 vaccines ang nakatakdang ma-expire na sa buwan ng Hulyo.

Ibinunyag ito nina Senate President Tito Sotto III at Senator Franklin Drilon.

Sa kaniyang pahayag sa Lapu-Lapu City, sinabi ni Sotto na dapat madaliin ng gobyerno ang pagbibigay ng bakuna at siguruhing agag makatatanggap ng booster doses ang mga nais na makatanggap nito.

Sayang aniya ang pera ng taumbayan na ipinambili sa nasabing mga bakuna.

Samantala sa kaniyang pahayag, sinabi ni Drilon na sa mahigit dalawang taon nang nararanasan ang pandemya sa bansa, patuloy ang “mismanagement” sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Maituturing aniyang “criminal neglect” sa panig ng pamahalaan kung patuloy na hindi maiaayos ng gobyerno ang pagtugon sa pandemya.

Ani Drilon, nakahihinayang na mauuwi sa basurahan ang mga bakunang binili sa pamamagitan ng pag-utang ng pamahalaan.

Sinabi ni Drilon na kung P500 kada dose ang halaga ng bakuna, aabot sa P13.5 billion ang masasayang sa 27 million doses na malapit nang ma-expire. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *