12 BIFF members sumuko sa Maguindanao

12 BIFF members sumuko sa Maguindanao

Sumuko sa mga otoridad sa Maguindanao ang labingdalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kabilang ang isang sub-leader at kaniyang deputy.

Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., Commander ng AFP Western Mindanao Command (WESTMINCOM), boluntaryong sumuko sa 40th Infantry Battalion si Anwar Pegas, sub-leader ng BIFF-Karialan Faction; ang deputy nito na si Zukarno Sailila, at sampu nilang tagasunod.

Isinuko din nila ang dalawang 7.62mm M14 rifles, dalawang 5.56mm M16A1, isang Carbine, dalawang cal. 50 Barret Sniper rifles, dalawang 9mm submachine guns, isang 40mm Rocket Propelled Grenade Launcher, dalawang M79 Grenade Launchers, at isang 40mm high explosive RPG ammunition.

Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central, dahil sa pagsuko ng labingdalawang indibidwal patapos na pamamayagpag ng BIFF-Karialan Faction.

Sa unang quarter ng kasalukuyang taon, sinabi ng JTF Central na umabot na sa 97 na BIFF members ang sumuko. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *