DPWH magtatayo ng tatlong bagong tulay na tatawid sa Marikina River

DPWH magtatayo ng tatlong bagong tulay na tatawid sa Marikina River

Tatlong bagong tulay ang nakatakdang itayo na tatawid sa Marikina River.

Ayon sa Department of Public Works and HIghways (DPWH) ang nasabing mga tulay ay popondohan gamit ang loan ng pamahalaan sa Asian Development Bank (ADB).

Sinabi ni DPWH Secretary Roger G. Mercado na natanggap na ng pamahalaan ang loan documents mula sa ADB.

Ang mga itatayong bagong tulay ay sa Marcos Highway-Saint Mary Bridge (dating J.P. Rizal-St. Mary Bridge) na may habang 1,582.6 meters; Homeowners Drive-A. Bonifacio Ave. Bridge (dating J.P. Rizal-Lopez Jaena Bridge) na may habang 691 meters; at ang Kabayani-Matandang Balara Bridge (dating Marikina-Vista Real Bridge) na may habang 723.2 meters.

Ang nasabing mga tulay ay bahagi ng proyekto ng pamahalaan para maibsan ang masikip na daloy ng traffic sa mga lansangan sa Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *