Pinakamataas na bilang ng pasahero sa MRT-3 naitala kahapon, Mar. 30

Pinakamataas na bilang ng pasahero sa MRT-3 naitala kahapon, Mar. 30

Pinakamataas na bilang ng pasahero sa MRT-3 naitala kahapon, Mar. 30

Naitala kahapon, March 30 ang pinakamataas na bilang ng commuters na sumakay sa MRT-3 mula nang magbalik-operasyon ito noong June 1, 2020.

Batay sa datos mula sa pamunuan ng MRT-3, umabot sa 293,290 ang kabuuang bilang ng mga pasahero na sumakay sa linya kahapon.

Ito ay resulta ng pagpapatupad ng libreng sakay sa MRT-3 at pagpapatakbo ng labingwalong 3-car CKD train set, dalawang 4-car CKD train set at isang Dalian train set sa mainline.

Ang 4-car CKD train set and Dalian train set ay tumatakbo tuwing morning peak hours mula 7:00AM hanggang 9:00AM at afternoon peak hours mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

Nasa 18-21 naman ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line.

Pinataas din ang passenger capacity ng bawat tren na kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at mayroong 394 na pasahero kada train car.

Matatandaan umaabot sa 250,000 hanggang 300,000 mga pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw bago magsimula ang pandemya ng COVID-19 noong Marso 2020. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *