P6.8M na halaga ng shabu na itinago sa pressure cooker, nakumpiska ng Customs
Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs – NAIA at Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P6.8 million na halaga ng shabu.
Ang mga ilegal na droga ay itinago sa pressure cooker.
Ayon sa Customs, galing ng Malaysia ang package at idineklarang naglalaman ng “a multi-function pressure cooker”.
Gayunman, nang isailalim sa pagsusuri ay nakita ang 1011 grams ng shabu sa loob ng pressure cooker.
Kabuuang 6,874,800 ang halaga ng mga ilegal na droga ayon sa BOC-NAIA. (DDC)