13 brands ng self-administered antigen test kits sertipikado na ng FDA

13 brands ng self-administered antigen test kits sertipikado na ng FDA

Mayroon nang 13 brands ng self-administered antigen test kits ang nabigyan ng sertipikasyon ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay FDA director-general Dr. Oscar Gutierrez Jr., kabilang dito ang 11 nasal swab Home Self-Testing at 2 oral fluid Home-Self Testing.

Mayroon namang 81 Antigen Test Kits na Professional Assisted ang nabigyan na ng sertipikasyon ng FDA.

Habang may 35 na certified Antibody Test Kits.

Para naman sa RT-PCR Test, mayroon nang 57 ang nabigyang ng sertipikasyon ng ahensya.

Samantala, sinabi ni Gutierrez na mayroon pang 173 Covid-related medicines ang nadagdag na rehistrado sa FDA.

Sa ngayon mayroon nang mahigit 1,700 na Covid-related medicines ang rehistrado sa ahensya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *