Bagong Plate-Making Robot ng LTO nagagamit na; kayang makagawa ng 450 motorcycle plates kada oras

Bagong Plate-Making Robot ng LTO nagagamit na; kayang makagawa ng 450 motorcycle plates kada oras

Nagagamit na ang ikalawang Plate-Making Robot ng Land Transportation Office (LTO).

Kaya nitong makagawa ng 450 motorcycle plates kada oras o katumbas ng 3,600 motorcycle plates sa loob ng walong oras.

Ang ikalawang automated plate-making machine ay binili ng LTO bilang bahago ng modernization efforts ng ahensya para mapabilis ang paggawa at pamamahagi ng plaka.

Partikular na ginagamit ang plate-making robot, sa paggawa ng motorcycle license plates.

Dalawang LTO personnel ang naka-mando sa makina, at tinatayang aabot sa 158,400 motorcycle plates ang magagawa nito sa isang buwan sa two-shift per day basis.

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade inaasahang matutugunan na ang problema sa mabagal na pag-iisyu ng plaka ng motorsiklo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *