Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Occidental Mindoro, Zambales at Davao Occidental
Nakapagtala ng may kalakasang pagyanig ang Phivolcs sa Occidental Mindoro, Zambales at Davao Occidental.
Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang magnitude 5.0 na lindol sa 115 kilometers northwest ng bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro, 12:27 ng madaling araw ng Miyerkules, March 30.
30 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs ang nasabing lindol ay aftershock ng magnitude 6.4 na tumama sa Lubang noong March 14.
Samantala, 2:55 ng madaling araw, naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 4.9 na lindol sa Cabangan, Zambales.
Ang epicenter ng pagyanig ay sa layong 49 kilometers southwest ng Cabangan.
10 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III:
– Botolan, Palauig, Castillejos, San Felipe at San Narciso, Zambales
Intensity II:
– San Marcelino, Zambales
4:14 naman ng madaling araw nang yanigin din ng lindol ang Sarangani, Davao Occidental.
Magnitude 4.1 ang naitalang pagyanig sa 263 kilometers southeast ng Balut Island.
176 kilometers naman ang lalim ng pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng nasabing lindol. (DDC)