Medium-rise school buildings sisimulang ipatayo ng DepEd ngayong taon

Medium-rise school buildings sisimulang ipatayo ng DepEd ngayong taon

Upang mapunan ang ang kakulangan ng mga silid-aralan sa Mega cities sa bansa, sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatayo ng medium rise school buildings.

Ipinasilip ni DepEd Sec. Leonor Magtolis Briones ang mga architectural prototype ng medium-rise school buildings na target maipatayo sa mga lugar sa bansa na kapos pa rin sa silid-aralan.

Ayon kay Briones kinakailangan ng bansa na magkaroon ng solusyon upang matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.

Dagdag niya, tugon din ang naturang proyekto sa pagsisigurong maisasakatuparan ang Education Futures.

Nakasaad sa plano na magkakaroon ng buildings na limang palapag hanggang 12 palapag o mas mataas pa sa mga lugar na may mataas na populasyon at limitadong espasyo para sa mga pasilidad.

Ang disenyo ng itatayong pasilidad ay isusunod sa “green and sustainable tropical design principles” upang kayaning harapin ang hindi magandang epekto ng climate change. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *