Tatlong phreatomagmatic bursts naitala sa Bulkang Taal
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng tatlong phreatomagmatic bursts sa Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, nakapagtala din ng walong volcanic earthquakes sa Bulkang Taal kabilang ang isang volcanic tremor na tumagal ng 5-minuto.
Kahapon, March 28 ay umabot sa 4,273 tonelada ang ibinugang sulfur dioxide ng bulkan.
Ang ash plume na ibinuga ng bulkan ay umabot sa 2,400 meters ang taas.
Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan kabilang ang mga barangay na itinuturing na high-risk. (DDC)