P20M halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng Customs sa Davao
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Davao ang tinatayang P20 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo.
Ang operasyon ay isinagawa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), X-ray Inspection Project (XIP), at Enforcement Security Service (ESS) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) Regional Special Operations Group (RSOG) XI.
Ayon sa BOC, umabot sa 690 master cases mg smuggled cigarettes ang nakumpiska sa joint buy-bust sa Hagonoy, Davao del Sur.
Sa nasabing operasyon ay ay nasabat ang ang iba’t ibang brand ng sigarilyo gaya ng Wilson, Champion, EXXE, Absolute Blue, at iba pa.
Nagpalabas na si District Collector, Atty. Erastus Sandino B. Austria ng Warrant of Seizure and Detention sa mga smuggled goods dahil sa paglabag sa Section 117 at Section 1400 of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)