Will Smith naglabas ng public apology matapos ang pananampal kay Chris Rock sa Oscars
Naglabas ng public apology ang hollywood actor na si Will Smith matapos ang pananakit sa komedyanteng si Chris Rock sa kasagsagan ng pag-ere ng Oscars.
Sa statement na ibinahagi ni Smith sa kaniyang Instagram account, aminado itong hindi katanggap-tanggap at walang excuse sa kaniyang ginawa.
Sinabi ni Smith na naging emosyonal siya nang marinig ang “joke” ni Rock tungkol sa medical condition ng kaniyang asawa na si Jada Pinkett Smith.
“I would like to publicly apologize to you, Chris. I was out of line and I was wrong. I am embarrassed ang my actions were not indicative of the man I want to be. There is no place for violence in a world of love and kindness,” ayon kay Smith.
Humingi rin ng paumanhin si Smith sa Oscars, producers ng show, mga dumalo at sa lahat ng nanonood ng telecast sa buong mundo.
Nag-sorry din si Smith sa “Williams Family” at sa mga nakasama niya sa pelikulang “King Richard”.
Ayon kay Smith, pinagsisisihan niya ng labis ang kaniyang nagawa. (DDC)