Mahigit 280,000 na pasahero nakinabang sa unang araw ng libreng sakay sa MRT-3

Mahigit 280,000 na pasahero nakinabang sa unang araw ng libreng sakay sa MRT-3

Kabuuang 281,507 na pasahero ang nakinabang sa unang araw ng libreng sakay sa MRT-3 kahapon, March, 28, 2022.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ang pinakatamaas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ang MRT-3 Noong June 1, 2020.

Ang mataas na bilang ng mga naserbisyuhang pasahero ay kasunod ng pag-deploy ng labingwalong 3-car CKD train set, dalawang 4-car CKD train set at isang Dalian train set sa mainline.

Ang 4-car CKD train set and Dalian train set ay idinedeploy tuwing morning peak hours mula 7:00AM hanggang 9:00AM at afternoon peak hours mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

Nasa 18-21 naman ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line.

Sa kabilang banda, pinataas din ang passenger capacity ng bawat tren na kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at mayroong 394 na pasahero kada train car. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *