Coast Guard naghahanda na sa pagtaas ng maritime-related activities sa Lenten at Summer seasons

Coast Guard naghahanda na sa pagtaas ng maritime-related activities sa Lenten at Summer seasons

Inatasan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Artemio M Abu ang lahat ng Coast Guard units sa buong bansa na tiyakin ang kahandaan ng mga tauhan, land vehicles, at floating assets sa inaasahang pagtaas ng maritime-related activities sa Lenten ar Summer seasons.

Ayon kay Abu ang lahat ng PCG floating assets at equipment ay dapat nasa highest level of preparedness para rumesponde sa posibleng emergency sa karagatan.

Kailangan din aniyang mag-deploy ng dagdag na K9 units, medical teams, at deployable response groups sa mga pangunahing pantalan sa bansa upang maitaas ang Coast Guard visibility.

Iniutos din ni Abu ang pagdaragdag ng
harbor at coastal patrollers.

Ayon kay Abu dapat ay available 24/7 ang mga lifeguards, rescue equipment, at first aid facilities sa lahat ng major tourist destinations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *