Halos 4,000 naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal – NDRRMC
Umabot na sa halos 4,000 katao ang naapektuhan ng muling pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhang indbidwal ay mula sa 14 na barangay sa 7 munisipalidad sa Batangas.
Pansamantalang nananatili sa 16 na evacuation centers ang mga inilikas na pamilya.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi dahil sa pag-aalburuto ng bulkan. (DDC)