White House Deputy Press Secretary Karine Jean-Pierre nagpositibo sa COVID-19
Positibo sa COVID-19 si White House Deputy Press Secretary Karine Jean-Pierre na nakasama kamakailan sa biyahe sa Europa ni US President Joe Biden.
Pero ayon kay Jean-Pierre, hindi kabilang sa kaniyang close contacts si Biden.
Huli umano niyang nakasalamuha si Biden sa isang socially distanced meeding.
Ayon kay Jean-Pierra, bakunado na siya kontra COVID-19 at nakararanas lamang ng mild na sintomas.
Sasailalim sa limang araw na isolation period ang opisyal at kapag nag-negatibo na sa COVID-19 ay babalik na ulit sa trabaho. (DDC)