LPA magpapaulan sa Palawan at ilang lalawigan sa Mindanao
Binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng Zamboanga del Sur.
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 20 kilometers northeast ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Southern Mindanao.
Dahil sa LPA at ITCZ ang Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Paalala ng PAGASA, ang biglaan at malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flashfloods sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar.
Samantala, easterlies naman ang nakakaapekto sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)