Halos 1,000 pamilya inilikas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal
Umabot na sa mahigit 900 pamilya ang inilikas mula sa mga high risk barangays sa bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas.
Ayon sa datos mula sa Provincial Social Welfare and Development Office, mayroong 498 na pamilya ang inilikas sa Agoncillo.
Sa bayan naman ng Laurel. 479 na pamilya na ang inilikas ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ayon sa Phivolcs, Linggo (Mar. 27) ng umaga ay muling nagbuga ng makapal na usok ang Bulkang Taal.
Naitala ito sa pagitan ng 4:34 ng umaga hanggang 5:04 ng umaga. (DDC)