Train sets ng MRT-3 na may apat na bagon gagamitin sa pagsisimula ng libreng sakay

Train sets ng MRT-3 na may apat na bagon gagamitin sa pagsisimula ng libreng sakay

Ide-deploy na ng MRT-3 sa linya ang mga train set nito na mayroong apat na bagon.

Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager at Director for Operations Michael J. Capati, inaasahan kasing tataas ang bilang ng mga pasaherong gagamit ng MRT-3 dahil sa programang ‘Libreng Sakay’.

Magsisimula na bukas, March 28 ang isang buwang libreng sakay sa MRT-3.

Ito ay bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng linya.

Ayon kay Capati, ide-deploy ng pamunuan ng 4-car CKD train sets tuwing peak hours na 7:00 hanggang 9:00 ng umaga, at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi, upang mas maraming maisakay na mga pasahero.

Ang 4-car CKD train sets ay kayang magkarga ng 1,576 passengers per train set.

Ito ang kauna-kaunahang pagkakataon na magpapatakbo ang MRT-3 ng 4-car CKD train sets sa linya nito.

Inaasahang nasa 300,000 hanggang 400,000 bawat araw ang mga pasaherong makikinabang sa libreng sakay ng MRT-3. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *