PANOORIN: Barko ng China nilapitan ang barko ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc

PANOORIN: Barko ng China nilapitan ang barko ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “close distance maneuvering incident” na ginawa ng barko ng China sa BRP Malabrigo (MRRV-4402) sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa Coast Guard nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng maritime patrol ang BRP Malabrigo sa Bajo de Masinloc noong March 2, 2022.

Namataan ng Coast Guard ang CCG vessel na mayroong bow number 3305 na lumapit sa BRP Malabrigo at umabot lang ng 21 yards ang distansya.

Ayon sa PCG malinaw itong paglabag sa 1972 International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS).

Sinabi ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, ito na ang ikaapat na close distance maneuvering incident na sangkot ang barko ng China sa Bajo de Masinloc.

Noong May 19, 2021 nakaranas din ang PCG-manned BFAR vessel – MCS-3005 ng ganitong insidente mula sa CCG vessel na may bow number 3301.

Ang ikalawa at ikatlong insidente naman ay sangkot ang CCG vessels (bow numbers: 3301 and 3103) na nagsagawa din ng close distance maneuvering sa BRP Capones (MRRV-4404) at BRP Sindangan (MRRV-4407) sa Bajo de Masinloc noong June 1 at 2, 2021.

Ani Abu, sa kabila ng delikadong sitwasyon hindi ito magiging dahilan para ihinto ang deployment ng Coast Guard assets sa Bajo de Masinloc, Philippine Rise, at iba pang bahagi ng exclusive economic zones (EEZ) ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *