BREAKING: Alert Status ng Bulkang Taal iniakyat sa Alert Level 3 ng Phivolcs dahil sa pagtaas ng aktibidad
Mula sa Alert Level 2 (increasing unrest) ay itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang alert status ng Bulkang Taal.
Ayon sa Phivolcs, sa nakalipas na magdamag ay nagkaroon ng pagtaas ng aktibidad sa bulkan.
Alas 7:22 ng umaga ayon sa Phivolcs nang magkaroon ng phreatomagmatic burst sa Bulkang Taal na sinundan ng patuloy na phreatomagmatic activity.
Umabot sa 1500 meters ang taas ng ibinugang usok ng bulkan na may kaakibat na mga pagyaing.
Sa ilalim ng Alert Level 3 sinabi ng Phivolcs na nangangahulugang mayroong magmatic intrusion sa Main Crater ng bulkan na maaring magdulot ng kasunod pang mga pagputok.
Inirekomenda na ng Phivolcs ang paglilikas sa mga nasa bahagi ng Taal Volcano Island at sa mga nakatira sa high-risk barangays na Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel, Batangas.
Pinapaalalahanan ang publiko na ang buong Taal Volcano Island ay Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpasok dito gayundin sa mga high-risk barangays sa Agoncillo at Laurel ay ipinagbabawal. (DDC)