Mga edad 65 pataas sa Australia bibigyan na ng 4th dose ng COVID-19 vaccine
Simula sa susunod na buwan, bibigyan na ng fourth dose ng COVID-19 vaccine ang mga edad 65 pataas sa Australia.
Ito ay makaraang aprubahan na ng top advisory group sa nasabing bansa ang pagbibigay ng fourth shot ng bakuna sa mga vulnerable groups na edad 65 pataas.
Kasama ding bibigyan ng fourth dose ang mag indigenous people na edad 50 pataas at ang iba pang immunocompromised at care home residents.
Maliban sa Australia inirekomenda na din ng health authorities sa France, Germany, Sweden at England ang fourth COVID-19 vaccine dose sa mga most vulnerable kabilang ang mga nakatatanda. (DDC)