Sanggol nailigtas ng NBI sa Laguna makaraang ibenta ng kaniyang nanay sa halagang P45K

Sanggol nailigtas ng NBI sa Laguna makaraang ibenta ng kaniyang nanay sa halagang P45K

Nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ang isang walong buwang gulang na sanggol sa Laguna na ibinenta ng kaniyang nanay halagang P45,000 sa buyer na nakilala lamang niya online.

Ayon kay NBI OIC-Director Eric B. Distor, batay sa imbestigasyon ay naganap ang transaksyon sa pagitan ng nanay ng bata at ng buyer sa isang Facebook (FB) group na “Bahay Ampunan”.

Nagkasundo ang dalawa na magkita noong March 3, 2022 sa isang restaurant sa Quezon City.

Nang maibigay na ang bata, nagbago ang isip ng nanay at nakunsensya sa kaniyang ginawa kaya sinubukan niyang bawiin ang bata, pero hindi na niya makausap ang buyer.

Napag-alaman ng NBI na ang bata ay nasa kostodiya ng isang Imelda Mabiliran at kaniyang live-in partner na Nigerian national na si Maxwell Ifeanyi Bright Okoro sa Pansol, Laguna.

Agad nagkasa ng operasyon ng NBI at tinungo ang kinaroronan ng dalawa.

Sinundan ng mga otoridad ang sasakyan ng mga ito hanggang sa makarating sa Sta. Cruz, Laguna kung saan positibong nakita ng NBI agents ang bata sa loob ng sasakyan.

Agad ding dinala ang mag-live in partner sa NBI Quezon City at isinailalim sa Inquest Proceedings sa kasong paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Kidnapping at Serious Illegal Detention. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *