Magarang sasakyan na tinatayang P45M ang halaga nakumpiska ng Customs
Kinumpiska ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port ang misdeclared at undervalued na Lamborghini Aventador.
Nadiskubre ang smuggled luxury vehicle nang makatanggap ng impormasyon ang Intelligence Group ng BOC na mayroong smuggling attempt na magaganap sa MICP.
Agad nagpalabas ng alert order si Customs District Collector Romeo Allan Rosales.
Base sa shipping documents ng sasakyan, dumating ito sa galing Hong Kong noong February 23, 2022.
Naka-consigne ito sa JRQ Car Trading at idineklara bilang “1 unit brand new Lamborghini Huracan”.
Ayon sa Customs, tinatayang aabot sa P45,000,000 ang halaga ng sasakyan.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention sa sasakyan dahil sa paglabag sa Section 1400 concerning Section 1113 ng R.A. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)