J-Hope ng BTS nagpositibo sa COVID-19
Positibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng BTS na si J-Hope.
Sa pahayag ng BigHit Music, nakaranas ng sore throat si J-Hope kaya nagtungo ito sa ospital para sumailalim sa PCR Test.
Positibo ang resulta ng test ni J-Hope.
Nagpapagaling na ngayon si J-Hope.
Sa buwan ng Abril nakatakdang magsagawa ng four-night concert sa Las Vegas ang BTS. (DDC)