Senator Ping Lacson nagbitiw sa Partido Reporma, sinabing magpapatuloy ang kaniyang kandidatura
Nagbitiw bilang chairman at miyembro ng Partido Reporma si presidential aspirant, Sen. Panfilo Lacson.
Sa kaniyang pahayag habang nasa General Santos City, ang kaniyang pagbibitiw ay kasunod ng pasya nina Partido Reporma President Pantaleon Alvarez at Secretary General Edwin Jubahib na sumuporta sa kandidatura ng ibang presidential candidate.
Hindi naman binanggit ni Lacson kung sino ang kandidatong sinusuportahan ng partido.
Sinabi ni Lacson na magpapatuloy siya sa pangangampanya bilang independent candidate. (DDC)