Comelec pinayagang magpatuloy ang COVID-19 programs ng OVP sa kasagsagan ng kampanya

Comelec pinayagang magpatuloy ang COVID-19 programs ng OVP sa kasagsagan ng kampanya

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo na maipagpatuloy ang mga COVID-19 programs bito sa kabila ng umiiral na spending ban ngayong eleksyon.

Ayon Comelec Commissioner George Erwin Garcia, sa pasya ng Comelec en banc exempted ang ilang pandemic projects ng OVP sa spending ban ngayong campaign period.

Ang petisyon ay inihain sa Comelec ng OVP dalawang buwan na ang nakararaan o bago pa magsimula ang kampanya.

Mula nang mag-umpisa ang kampanyahan itinigil muna ng OVP ang mga proyekto nito gaya ng mobile coronavirus testing o Swab Cab, vaccination drive o Vaccine Express, at ang Bayaniha E-Konsulta.

Ito ay hangga’t walang malinaw na guidelines mula sa Comelec tungkol sa mga programa.

Sa pahayag ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez nagpasalamat ito sa naging pasya ng Comelec.

Ani Gutierrez dito makapagpapatuloy na aniya ang mga proyekto ng Angat Buhay na nakatulong na sa daan-daan libong mamamayan sa nakalipas na anim na taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *