Kauna-unahang air ambulance ng Philippine Army, magagamit na
Inilunsad ng Philippine Army ang kauna-unahan nitong air ambulance.
Ang air ambulance ay mayroong critical care aeromedical team at inaasahang makapagpapalakas pa sa life-saving capabilities ng Army sa mga nasusugatang sundalo.
Kamakailan idinaos ang aerial medical evacuation simulation sa air ambulance sa Fort Bonifacio.
Pinangunahan ng isang team na binubuo ng mga military doctors, nurses, pilots at mga crew ang isinagawang simulation.
Ayon kay Army Chief Nurse Col. Maria Victoria Juan, maituturing na crucial point ang evacuation sa mga nasusugatang sundalo.
Base kasi datos, 90 percent ng combat fatalities ay nangyayari bago mailipat sa pinakamalapit na ospital ang sugatang sundalo. (DDC)