Vaccination certificate mula sa 3 pang bansa, kikilalanin na ng pamahalaan

Vaccination certificate mula sa 3 pang bansa, kikilalanin na ng pamahalaan

Kikilalanin na rin ng pamahalaan ang vaccination certificate mula sa tatlo pang mga bansa.

Ayon kay acting presidential spokesperson at Presidential Communications Sec. Martin Andanar inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagkilala sa COVID-19 vaccination certificate mula sa sumusunod na mga lugar:

– Bulgaria
– Iran
– Panama

Ang COVID-19 vaccination certificate mula sa nabanggit na mga lugar ay kikilalanin bilang proof of vaccination ng mga biyaherong darating sa Pilipinas.

Inatasan ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation – One-Stop-Shop at ang Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang proofs of vaccination mula sa mga bansang inaprubahan ng IATF. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *