Walk-in para sa Apostille Services sa DFA-Aseana sinuspinde ngayong araw dahil sa pagdagsa ng mga aplikante

Walk-in para sa Apostille Services sa DFA-Aseana sinuspinde ngayong araw dahil sa pagdagsa ng mga aplikante

Dumagsa ang mga aplikante sa Department of Foreign Affairs (DFA) – Aseana para sa Apostille Services o iyong mga kukuha ng mga dokumento.

Karamihan sa mga aplikante ay galing pa ng probinsya at sa DFA na nagpalipas ng gabi.

Dahil sa sobrang dami ng aplikante, sinuspinde muna ng DFA ang walk-in para sa mga aplikante ng Apostille services sa DFA-Aseana ngayong araw ng Miyerkules, March 23, 2022.

Ayon sa DFA, naabot na kasi ang bilang ng mga kayang maserbisyuhan dulot ng biglang pagdagsa ng mga aplikante simula pa Martes (Mar. 22) ng gabi.

Sinabi ng DFA na muling magbabalik ang walk-in service para sa mga aplikante ng Apostille araw ng Huwebes, March 24, 2022.

Ayon sa DFA, ang quota ng aplikante para sa walk-in ng Apostille services sa DFA-Aseana ay 300 katao lamang kada araw.

Nagsisimulang magpapasok ng aplikante at magbigay ng numero simula 7:00 ng umaga.

Paalala ng ahensya, hindi kailangang pumila sa DFA-Aseana ng dis-oras ng gabi.

Maliban sa DFA-Aseana, tumatanggap din ng walk-in sa mga aplikante para sa Apostille Service sa mga sumusunod na DFA offices:

NCR West (150 aplikante)
NCR East (100 aplikante)
Pampanga (80 aplikante)
NCR South (150 aplikante)
CO Iloilo (60 aplikante)
NCR Northeast (80 aplikante)
La Union (50 aplikante)
Davao (90 aplikante)
Cebu (100 aplikante)
Cagayan de Oro (37 aplikante)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *