Insidente ng hazing sa Laguna iniimbestigahan na ng PNP

Insidente ng hazing sa Laguna iniimbestigahan na ng PNP

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa umano ay insidente ng hazing na naganap sa Kalayaan, Laguna.

Nasawi ang 18-anyos na biktimang si Reymarc Rebutazo matapos umano ang initiation rites ng Tau Gama Fraternity.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos nagsasagawa na ng imbestigasyon sa insidente ang Kalayaan Municipal Police Station sa Laguna.

Batay sa inisyal na imbestigasyon nangyari ang initiation sa biktima sa bulubunduking bahagi ng Barangay San Juan sa Kalayaan.

Kabilang sa bubusisiin ng pulisya ang autopsy report sa biktima.

Pinatutukoy na din ni Carlos sa lalong madaling panahon kung sinu-sino ang mga suspek. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *