Comelec nagsagawa ng end-to-end demo para sa automated election system
Nagdaos ng end-to-end demo ang Commission on Elections (Comelec) para sa automated election system (AES).
Bahagi ng isinagawang demo ang pagkuha ng initialization report sa mga vote counting machines (VCMs).
Ayon sa Comelec, bago gamitin sa mismong araw ng eleksiyon ay dapat “zero” o walang pre-program na boto sa gagamitin na mga VCM.
Gumamit ng mga “test voter” para subukan ang mga VCM at tignan kung tama ang isinaad sa voter verifiable paper audit trail o voter’s receipt.
Sinubukan din ang pagsasagawa ng trasmission of votes mula sa VCM patungo sa city o municipal board of canvassers, provincial board of canvassers, at sa national board of canvassers. (DDC)