202 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 202 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Huwebes, July 15, sumampa na sa 33,188 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,483 ang active cases at 31,296 naman ang gumaling.
409 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng 3 pang nasawi.
Ang 202 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Eastern Samar (50)
Leyte (38)
Ormoc City (29)
Samar (27)
Tacloban City (21)
Southern Leyte (16)
Northern Samar (14)
Biliran (7)
Batay sa datos nasa “high” ang average daily attack rate para sa Eastern Samar at Leyte.
Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)