4-day work week at work-from-home arrangement iminungkahi ng CSC

4-day work week at work-from-home arrangement iminungkahi ng CSC

Ipinanukala ng Civil Service Commission o CSC ang kombinasyon ng four-day workweek at work-from-home arrangement upang matiyak ang balanseng pagta-trabaho ng mga manggagawa.

Una nang ipinanukala ng National Economic and Development Authority o (NEDA) ang four-day work week na 10-oras kada araw, upang makatipid sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petroyo, sa halip na five-day work week na 8-oras kada araw.

Ipinaalala ni CSC Commissioner Aileen Lizada sa mga pinuno ng mga tanggapan na kung ang pipiliin nila ang four-day compressed workweek ay kailangan ding isaalang-alang ang mental health, wellness, pati na ang work-life balance ng mga kawani ng gobyerno.

Binigyan-diin ni Lizada na very challenging ang 10-oras sa opisina, kaya maari namang i-combine ang four-day work week na may 8-oras kada araw at WFH.

Inihalimbawa ni Lizada ang pagpasok sa opisina ng apat na araw habang ang pang-limang araw ay WFH.

Aniya, kabilang sa mga maaring gawing trabaho sa bahay ay research, policy formulation, project work, computer programming at database maintenance.

Una nang inihayag ng Malakanyang na nakatakdang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon sa four-day work week. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *