BBM at Sara kapwa top choice bilang presidential at vice-presidential candidates sa Halalan 2022

BBM at Sara kapwa top choice bilang presidential at vice-presidential candidates sa Halalan 2022

Sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao Cty Mayor Sara Duterte ang top choices para sa pagka-presidente at bise-presidente, batay sa resulta ng latest independent at non-commissioned Publicus Asia survey.

Sa survey na isinagawa noong March 9 hanggang 14, 2022 o Pahayag National Tracker 2 (PT2) na nilahukan ng 1,500 respondents, nanguna pa rin si Marcos sa pamamagitan ng nakuha niyang 55.1 percent.

Mataas ito ng halos 3 percent mula sa kanyang preference share na 52.3 percent sa PT1 na isinagawa noong Pebrero.

Samantala, napanatili rin ni Duterte ang pangunguna laban sa kanyang mga katunggali sa pagka-bise presidente sa pamamagitan ng 56.5 percent, ayon sa Publicus.

Gaya sa katandem na si Marcos, umangat din ng 3 percent si Duterte sa survey ngayong Marso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *