DepEd itinakda na ang petsa para sa pagsasagawa ng early registration sa SY 2022-2023

DepEd itinakda na ang petsa para sa pagsasagawa ng early registration sa SY 2022-2023

Itinakda na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng early registration para sa School Year 2022-2023.

Sa memorandum ng DepEd sa March 25 hanggang April 30 isasagawa ang pre-registration para sa incoming kindergarten, grade 1, 7 at 11.

Ang mga mag-aaral sa grades 2 hanggang 6, 8 hanggang 10 at grade 12 Y considered nang pre-registered.

Hinikayat ng DepEd ang mga prubadong paaralan na magsagawa din ng pre-registration sa parehong petsa.

Nakasadaad din sa memorandum na kung may mga lugar na maisasailalim sa Alert Level 3 hanggang 5, ang pre-registration ay dapat gawin remotely.

Sa mga lugar naman na nakasailalim sa Alert Level 1 at 2, puwedeng gawin ang in-person registration.

Ginagawa ang early registration para mapaghandaan ng mga paaralan ang pagsisimula ng susunod na School Year. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *