P11.45 na rollback sa presyo ng Diesel, P5.45 na rollback sa presyo ng gasolina ipatutupad ngayong linggo
Matapos ilang linggong sunod na malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, magpapatupad naman ng rollback ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya, magpapatupad ng P11.45 na rollback sa presyo ng kada litro ng Diesel.
P5.45 naman ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P8.55 ang bawas sa presyo ng kerosene.
Epektibo ang rollback, bukas araw ng Martes (March 22).
Ito ang unang pagkakataon na magpapatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo matapos ang labingisang linggong sunud-sunod na pagtaas.
Ito rin ang kauna-unahang price rollback sa presyo ng langis ngayong taon. (DDC)