Pilipinas at 4 pang lugar sa East Asia nananatiling nasa very low risk sa COVID-19
Nananatiling nasa very low risk sa COVID-19 ang limang lugar sa East Asia kasama ang Pilipinas.
Ayon sa OCTA Research, maliban sa Pilipinas, nasa very low risk din ang China, Cambodia, Taiwan, at Timor Leste.
Batay sa datos nasa 527 ang 7-Day average ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Kahit nasa very low risk, ang China ay nakararanas ngayon ng surge sa COVID-19 cases.
Umaabot na sa 1,885 ang 7-Day average ng China sa COVID-19 cases.
Nasa severe naman ang risk classification ng South Korea, Vietnam, Hong Kong, Malaysia, Singapore at Brunei. (DDC)