Matapos hindi i-endorso si EJ Obiena sa World Indoor Championships, PATAFA pinatawan ng suspensyon
Sinuspinde ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine Athletics Track and Field Association at ang Philippine Tennis Association.
Ang suspensyon na ipinataw sa dalawang national sports associations ay tatagal ng 90 araw.
Ayon kay POC President, Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, sinuspinde ang PATAFA dahil sa kabiguan nitong gampanan ang kanilang tungkulin bilang national sports association nang hindi i-endorso ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena para sa World Indoor Championships.
Ayon sa POC, isasama na si Pbiena sa lineup ng 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa May.
Samantala, ang suspensyon naman sa Philippine Tennis Association ay dahil sa kabiguan nitong makasunod sa International Tennis Federation order na maghalal ng mga bagong set ng kanilang board members. (DDC)