Quezon City nasa very low risk status na sa COVID-19

Quezon City nasa very low risk status na sa COVID-19

Very low risk na ang status ng Quezon City sa COVID-19.

Ayon sa OCTA Research, nasa 25 cases na lamang ang average daily cases ng COVID-19 sa QC sa pagitan ng March 10 hanggang March 16, 2022.

Sinabi ng OCTA Research na nasa 0.79 per 100,000 population na lang per day ang Average Daily Attack Rate o ADAR sa lungsod.

Sa pinakahuling datos, mahigit 200 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Umabot naman na sa 2,383,859 ang bilang ng mga fully-vaccinated na sa lungsod. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *