Infographic tungkol sa number coding na ipinakakalat sa social media, hindi galing sa MMDA
Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi mula sa ahensya ang kumakalat na infographic patungkol sa number coding scheme schedule sa kada lungsod at munisipalidad sa Metro Manila.
Sinabi ng MMDA na ang nasabing infographic ay nailathala bago pa nagkaroon ng pandemya.
Paalala ng MMDA sa mga motorista, ang umiiral na number coding scheme na ipinatutupad ng MMDA sa mga pangunahing lansangan ay mula 5PM hanggang 8PM tuwing lunes hanggang Biyernes.
Kamakailan ay sinabi rin ni MMDA Chairman Romando Artes na hindi pa panahon para palawigin ang number coding scheme dahil sa manageable pa ang daloy ng mga sasakyan sa ngayon. (DDC)