Siyam na lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index
Nasa “danger” level ang Heat Index na naitala sa siyam na mga lugar sa bansa kahapon, araw ng Miyerkules, March 16, 2022.
Sa datos mula sa PAGASA, ang Dagupan City, Pangasinan ang may pinakamataas na Heat Index na umabot sa 50 degrees Celsius.
Narito ang walo pang lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na Head Index kahapon:
* Muñoz, Nueva Ecija – 47 degrees Celsius
* Juban, Sorsogon – 44 degrees Celsius
* Virac, Catanduanes – 44 degrees Celsius
* Dipolog, Zamboanga Del Norte – 43 degrees Celsius
*Zamboanga City, Zamboanga Del Sur – – 43 degrees Celsius
* Catarman, Northern Samar – 42 degrees Celsius
* Davao City, Davao Del Sur – 42 degrees Celsius
* Sangley Point, Cavite – 42 degrees Celsius
Kahapon sa Metro Manila, umabot sa 32.3 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura at 37 degrees Celsius na heat Index.
Noong March 6, 2022 naitala ang pinakamataas na Heat Index sa bansa ngayong taon na umabot sa 51 degrees Celsius sa Dagupan City.
Sa mga susunod na araw ay inaasahan ang mas mainit pang panahon kasunod ng deklarasyon ng PAGASA ng pormal na pagsisimula ng dry season sa bansa. (DDC)